May bagong faculty sa school. Lalaki. After a year of being the solo male faculty, finally may mapapasahan na ako ng mga gawain na binibigay sa akin just because I’m a guy.
When I first heard about his name, nag-background check ako agad sa internet, care of Facebook. Graduate ng CCA, so technically, Chef si Chef. He’s interestingly cute not attractively, nagseselos kasi si Mr. O, so I have to categorize his cuteness. Looking through his pictures my gaydar didn’t ring, straight ito. sa hilatsa lang ng mukha e. I then tried his name on Friendster, tumambling ako at nag double cartwheel sa shout out nya. He’s not implying that he’s gay on his shout out, Pinangangalandakan nyang gay siya at proud siya. Tumbling ulit ako.
Then I met him. Wala nga. My gaydar doesn’t buzz. Though there are slight hints like kung paano siya pumamewang and his vocabulary consisting of some gay lingo. pero wala talaga. He’s straight for me. Ako pa, alam kong bading ang isang lalaki just by looking at him. We eventually became close because of the seminar-workshop that we attended, nagkakabiruan na, nag-kakabarahan na. But still, wala pa rin give away. I therefore concluded that he’s really straight at kung anu man yung naka-post sa Friendster niya might be posted by someone na naka-away nya or whatever.
After a few days and a few chit-chat on Facebook. He opened up on me, though still discreetly, I can’t bring myself to ask him THE question… So let’s all play a game. Is he or is he not?
The chat went like this… (text inside the parenthesis are MY thought bubbles)
Chef: musta seminar nyo?
Me: walang kwenta…
BLAH BLAH BLAH until…
Chef: may tatanong ako sayo.. sagutin mo ng maayos ha.
Me: ok. sure. shoot! ( sana hindi math!)
Chef : masama bang tao kapag nakipag commit ka sa iba, pag un karelasyon mo nsa ibng bansa, prang wla ng balak umuwi
Me: well, it depends… ano bang napag usapan nung magkarelasyon?, if the “tao” wants to move on kasi parang di na nga uwi yung karelasyon nya, dapat sabihin nya yung nararamdaman nya dun sa karelasyon nya.. (tumambling ako! talagang nag-open up ang loko!)
Chef: kasi ayaw din nya mwala yun nsa malayo, pag cnabi nya parang ok lang dun sa tao,
Me: the question is masaya pa ba yung “tao”? with the set up that you’re in… masaya ka pa ba? (alam ko namang ikaw yung tao!)
Chef: hinde na,pero may something na prang pumipigil n wag kami maghiwalay, mag 6 yrs na kme, i know wala tagal, pero alm mo un nksanayan mo na, pero dumdating ako sa point na feeling ko, parang magisa aq,prang wala ako karelasyon
Me: you know what, i am in the same situation right now… mahirap kasi magdecide ng tapos… ang totoo nyan hinihintay mo pa rin na sabihin nya na may plano siya for the both of you or kasama ka sa plano niya kaya ayaw mo pa mag let go… tama? (tama!)
Chef: shit, oo hehehe, footah ka gaya gaya ka! hehehe (beking-beki ang expression! aminin!)
Me: hahaha! ikaw kaya!
Chef : pero naawa ako sa ka date ko, kc parang stand by lng sya sken, pero alam nya yun situation ko, ayoko naman itago bka lalo gumulo. (ano ba? babae ba itong mga ito or lalake?)
Me: e bakit ka nakikipagdate? gaano na ba katagal abroad si karelasyon mo? (at lalake ba ito?)
Chef: 2 yrs kmi dito, mga 3yrs na sya dun sa tate, d nman date friends friends lng,
Me: mukha mo! ganun din yun! ano bang sabi nya? nagpapahintay ba?
Chef: hindi ang assurance lng cnabi, gsto nya dw ako mging ok, un lang, d nya alm kung kelan kmi mgsasama (sounds like a gay relationship arrangement?)
Me: 3 years. tagal rin nun ah! pero regular kayong may communication?
Chef: everyday naman , tawag, tx, ilove u i loveu, mhal n mhal kita, gnun lang araw arw, mtutulog nako.
Me: ok naman pla … tulog ka na?
Chef: i min ganun lng, matutulog nako hun,
Me: ah ok!
Chef: everyday un dba nakakasuya na
Me: akala ko bigla kang inantok e yun nga lang… (pa-sweet ka!)
Me: e sabi mo hindi ka na masaya.. bakit di mo i-try na makipaghiwalay muna tapos try mong makipag date o makipag reationship with someone na nandito sa pinas…. baka masyado ka lang na-attach..
Chef: oo nga tama ka, e nttkot din kc ako dun sa tga dito, bka mmya nghahanap lng ako ng rebound, tas dko nman pla gsto tlga. (usually babae ang dumadialogue ng ganito diba? babae ka?!)
Me: that’s the risk you have to take…
Chef: tapos wala nko balikan, nwala na silang dlawa, hahahha ang hirap sumugal
Me: ganun? palying safe ka?
Me: di mo malalaman kung ano magpapasaya sayo kung di ka susugal.. maniwala ka sakin, nangyari na yan sakin. (as if, simon…)
Chef: hindi naman, dko kasi makita kun ano tlga gsto nya manyari in the future, parang hangan ngayon prang ang labo parin, prang gsto ko pa sya makilala, kya siguro nka attach prin ako s knya. (this is a straight guy I’m chatting with ha!)
Chef: pag sumugal ba as in wala kna iisiping iba, dka na mokokonsenya, d mo na iisipin kun pano na sya? gnun ba yun? (pang star cinema diba? may patanong tanong pa ang loko!)
Me: di naman, you just have to make a choice at you have to be firm about it. example…pinili mo na si ka-date…kahit dumating pa si long distance, you have to be firm na si ka-date na ang pinili mo..you’ve waited long enough already…
Chef: tama galing gets ko na heheh
Me: gagawin mo ba? gets gets ka dyan!
Chef: pde bang pag sure na si ka date? hehehe (ano ba? lalake ba itong si ka-date?)
Me: bakit? di pa ba siya sure? humanap ka na ng sure!
Chef: hmmm parang, di naman nya sinabi sken, pero pag sure ba yun tipong kahit busy k,gagawa ka ng way para makausap mo sya? (babae ka teh!)
Me: yup! yun ang sure, someone who’ll give his time for you…
Chef: hehe gling ntpos n iniisip ko hehe
Me: ayan ha! may kapalit na chocolate cake yan! ( To Mr. O, gusto ko lang talaga ng chocolate cake, di ako nakikipagflirt! love you be!)
Chef: cge pasukan hehe,
Me: anung sa pasukan? ngayon! hahaha!
Chef:hehehe cge pano, nkakaasar, kasi nman wla pang pasok, kaya nabubuwang nako dto
Me: hahaha! pag dating ng pasukan, iwiwish mo na bakasyun ulit.
Chef: hehehe onga s bagay
Chef: tinext ko si ka date,nsa meeting ata alm mo sabi
Me:ano? (landi mo rin e!)
Chef: sori beb busy lang start plang yun event col u later, pangatlo na un, sori beb bc lng ng ci ng mga doctors col u later mwah, knina ng try aq wg itex alm mo sabi? ano ba yan, pano pg tayo na tagal mo reply.hmf
Me:hahaha! joke time pala siya e! (very gay ang conversation! anuber!?)
Chef: hahah dba? sakit sa ulo din.
Me: San ba sya work?
Chef: sa hospital, med stud pero un work nya parang sa mga gmot, prng medrep
Me: hmm..(bakla nga!)
Chef:pano b mllaman pg gstong gsto ka nun tao?
Me: (lecheng mga tanong mo ha! )he has time for you, gusto ka nya laging kasama…
Chef: tlga hehe, ang lau din kc paranaque, pero compare sa US dba
Me: gaya gaya ka! taga paranaque rin yung akin e..
Chef: hahaha san dun sa my bf yun akin
Me: (bf kamo? bf homes..)merville…
Chef: hehe akalain m un
Me: tuwing kelan kayo nagkikita?
Chef: twice plang hehhee
Me: (adik ka!) nye! you need to widen your horizon, if you’re just dating, e di mag date ka pa ng iba…
Chef: pero tgal nmin naguusap arw arw hehehe! ay gnun! oonga hahaha
Me:mas maganda kung maraming choices.. para di ka masyadong nag hohope dun sa isa na yun! (tama naman talaga!)
Chef: sa bagay e, e parang pngbabawalan nko dpa kmi e
Me: hahaha! naku! you’re young, enjoy mo yan! that is something i wasn’t able to do nung bata bata ako..(shit! matanda na ko!)
Chef: 24 nako bata pba yun, gsto seryosohan na yoko na lokohan, sawa nko dun
Me: pero sabagay, i was 19 nung nagseryoso ako…
Chef: sa bagay, dami narin nsyang kaka intay ko
Me: diba naku! enjoy mo lang yan!
Chef: mgbabago nko tom hehe
Me: asus! makipag date ka!
Chef: heheh oo!]
Me: hehehe! wait, san mo nakilala si ka-date? ( clue pa!)
Chef:sa friend ko din
Me: e si long distance? (more clue)
Chef: sa dentist ko dati, lage kmi ngkksabay ayun heheh
Me: yun yun e! (a very gay way to meet someone!)
Chef: may malapit bang gym sa school?
Me: (hahaha! cliche ka na ha! ) meron. slimmer’s, balak ko nga dati, wala lang makasabay..
Chef: tara gym tyo nila mam maye para masaya , mgbabago n tlga ko hehehe
Me: Gow! Sure yan ha! O siya! Tulog na ko. Tigil na natin tong kalokohan na to!
Chef: ok! hehehe! thank u ha! gudnyt!
***********
Ok guys! what do you think? is he or is he not?

Girl taray ng blog mu ha effort talaga…Love ko yun sa hundred islands kakainggit
of course! pinagpupuyatan ko ito teh! miss you na! sana pala sinama kita dun… may mga boylets!
1st punyeta ka sumakit ang mata ko sa haba ng blog mo
2nd wala bang pics para makilatis ko ng husto kung bading, magiging bading or bading na
3rd bakit di mo kc tapatin na simple lng ganito “Elo BAKLA ka ba?: sabay smile
pwede na yun
nakakahiyang tapatin e…
pukesha ka syme…
kala ko naman napaamin mo na sha ng bongga…hahahahhahaa…kakaloka!!!
hindi pa! wait ka lang, pagdating ng pasukan mas maraming time para ma-interview!