I’m not Ok

I’m starting yet again in a new company and i’ve never been so scared in my life, hindi ko ma-explain yung takot na nararamdaman ko, hindi ko alam kung natatakot ba ako dahil magsisimula na naman ako o natatakot ako dahil baka matulad lang ito sa mga nauna kong attempt to start over again.

Kagabi, alas-tres na ng umaga pero hindi pa rin ako makatulog, bumalik ulit yung pain, I’ll probably never get over it and probably wala rin makakaintindi sa nararamdam ko. Basta, ang alam ko, maayos ako dati bago mangyari ang lahat ng ito, may pangarap ako, may goal pero pagkatapos kong malaman lahat ng dapat kong malaman, parang nawala lahat sa akin.

It’s been seven months pero eto pa rin ako, pilit na nagpapaka-ok. Hindi madali kalimutan ang lahat ng mga nangyari, hindi naman ako robot, hindi naman ako manhid. Masakit na malaman na yung minahal mo ng anim na taon e ginago ka lang pala the whole time, masakit na malaman ang lahat ng detalye ng panloloko sa’yo at mahirap makalimutan lahat ng iyon.

It hurts the most to feel na na-stuck ka na dun sa emotion na yun, while the people involved have moved on na parang wala lang sa kanila ang lahat ng nangyari, nakalimutan na yung sakit na ginawa nila samantalang ikaw e struggling to heal pa din.

From day one eversince that happened, I tried to be OK, when in fact I’m not and still here I’am struggling to move on. Well, it’s time to stop the pretense. i’m not OK.

Leave a Reply